Mo Tautuaa, hindi nagdalawang isip na irepresenta ang Pilipinas sa 3×3 event ng FIBA

Matagal nang pinangarap ng Filipino-Tongan center na si Moala Tautuaa ang paglalaro para sa Gilas Pilipinas.

Gayunman, hindi niya pwedeng irepresenta ang bansa sa FIBA-sanctioned 5-on-5 event, dahil bigo ito na magkaroon ng Philippine passport bago ito mag 16-years old.

Nakasali na sa Gilas noon ang dating top overall pick sa PBA, nang sumabak ito sa 2015 William Jones Cup.

Nakatulong na rin ang basketbolista na makamit ng 3×3 team ang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games.

Muling masusuot ni Tautuaa ang jersey nito para sa Gilas ngayong buwan, sa pagsali ng 3×3 squad nito sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz Austria mula May 26-30.

Ayon kay Tautuaa, hindi na siya nagdalawang isip na kunin ang pagkakataon na makasali sa 3×3 event nang i-alok ito sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Alam naman ni Tautuaa, na nagsisilbi ngayon bilang sentro ng San Miguel Beer sa PBA, na mas maliit ang bola, mas maikli ang shot clock, at mas mabilis ang laro  sa 3×3 kumpara sa nakasanayan niyang full-court version ng basketball.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *