MOA sa pagitan ng LGU Basud at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa implementasyon ng Balay Silangan aprub sa SB

CAMARINES NORTE- Inaprobahan ng Sangguniang Bayan ng Basud ang urgent request ng Alkalde na bigyan ito ng authority para pumasok sa  Memorandum of Agreement (MOA)  sa pagitan ng LGU at iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa implementasyon ng Balay Silangan.

Ang MOA ay sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region V, Camarines Norte PPO, Basud MPS, Municipal Social Welfare and Development Office, Department of Education at Technical Education Skills Development Authority.

Kasali rin sa MOA ang Department of Trade and Industry at Sangguniang Kabataan Municipal Fedartion.

Una nang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi nasayang ang mga itinatag na Balay Silangan sa mga Local Government Unit kahit hindi na ito ngayon nagagamit.

Paliwanag dati ni DILG Provincial Director Melody Relucio, hindi lang naman para sa drug clearing ang Balay Silangan, at kaya hindi ito nagagamit ngayon ay dahil walang nag- volunteer na ipasok bilang rehabilitation center o pwede rin namang walang mga apprehension.

Gayunman maaari pa naman umanong magamit ang facility kung kakailanganin at alam naman ng mga LGU kung paano ito gamitin at pakilusin ang mga agency at departments sa loob nito na may kinalaman sa operasyon nito.

Mababatid na itinayo ang mga Balay Silangan sa iba’t- ibang LGU noong kasagsagan ng war on drugs ng Duterte administration.

Layon ng pagkakaroon nito na tulungan ang mga drug pusher sa kanilang pagbabagong buhay kasabay ng Barangay Base Rehabilitation Program para naman sa mga lulong sa pagamit ng illegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *