CAMARINES NORTE- Ilalarga na ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte at Partido State University para sa isang proyekto patungkol sa mangrove conservation.
Ito ay matapos na aprobahan ng Sangguniang Bayan sa regular na sesyon nitong Lunes, February 20 ang kahilingan ni Mayor Adrian Davoco na mabigyan siya ng authority na pumasok sa kasunduan sa nabanggit na unibersidad.
Para ito sa implementasyon ng proyekto sa ilalim ng CHED- GIA na may titulong Mangrove Ecosystem Services Assesment for Conservation Strategies and Stakeholders willingness to pay in San Miguel Bay.
Layon umano nito na makapag ambag sa local and national efforts tungo sa sustainable development para na rin sa kapakanan ng mga Basudeno.
Mababatid na marami na ring mga aktibidad at proyekto ang nailunsad para sa conservation ng mangrove.
Noong isang taon ay inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumaba na ang mga naitatalang insidente ng pamumutol ng mga bakawan o mangrove ngayong panahon kumpara noong mga nagdaang taon.
Sabi noon ng dating PENRO head na ito ay bunga ng pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay at tumaas na rin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga bakawan.
