MOCCI nanawagan sa publiko na mag-ingat sa mga magnanakaw ng baterya ng sasakyan

OLONGAPO-Nanawagan at nagbabala na ang Metro Olongapo Chamber of Commerce sa publiko na mag-ingat laban sa mga magnanakaw ng baterya ng sasakyan.

Ito ay matapos na mabiktima ang ilang mga negosyante nito at gayundin ang basag-salamin sa mga kotse.

Ayon kay MOCCI Pres. Ruben De Guzman, nito lang nakalipas na gabi ay limang baterya ng truck ang ninakaw.

Panawagan nito sa publiko na ingatan ang mga sasakyan para maiwasang mabiktima ng mga kawatan.

Bilang myembro umano ng Peace and Order Council ay kanya ring ibabahagi sa PNP ang kanilang karanasan sa gagawing pulong sa susunod na araw.

Kahapon sa interview ng BNFM kay Plt. Tyrone Tecson, Asst. Unit Chief ng Olongapo City Police Office, City Investigation and Detective Management Unit ay naiparating na ang ganitong insidente.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo for Illustration Purposes Only

May be an image of 1 person, standing and text that says 'SHOP NOW! Lazada 100Capss ASCORBICA Ascorbate) GUARD-C VITAMIN ~ ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C ww.a'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *