Lumabas sa unang clinical trials ng Moderna na 96% effective ang COVID-19 vaccine nito para sa mga bata na edad 12-17.
Sa ginawang trials ay nabigyan ang two-thirds ng mga partisipante ng bakuna habang ang one-third naman ay nabigyan ng placebo.
Sinabi ng kompanya na nakita sa pag-aaral na ang efficacy ng bakuna kontra COVID-19 ay nasa 96%, at generally well tolerated ang mRNA-1273.
Ipinunto rin ng kompanya na wala pa itong naitatala na serious safety concerns.
Na-detect naman sa tests ang 12 kaso ng COVID-19, matapos ang 14 na araw ng first shot.
Para makuha ang intermediate results ay napayagan ang mga partisipante na mag-foll up sa loob ng average na 35 araw para sa ikalawang injection.

Ipinunto ng pharmaceutical company na nasa “mild: o “moderate in severity” ang mga side effects, at pinaka-common nito ay ang pananakit ng injection site.
Sa second shot naman ay naranasan ang side effects tulad ng pagkasakit ng ulo, fatigue, myalgia, at chills.