Modernong olympic boxing gym planong itayo sa lalawigan ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon na pinaplano nito ang pagtatayo ng modernong olympic boxing gymnasium sa lalawigan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Governor Francis ‘Chiz’ Escudero na layunin nila na maibigay ang todong suporta sa mga atletang Sorsoganon sa pamamagitan ng mga magagandang pasilidad na maari ng mga itong magamit sa kanilang pag-eensayo na madalas ay problema tuwing nagkakaroon ng mga kompetisyon.

Aniya, paghahanda rin ito sa planong paghawak ng lalawigan sa Palarong Pambansa kung saan nais nilang mapalakas rin ang mga atletang Sorsoganon upnag hindi mapag- iwanan ng ibang lalawigan bilang venue ng pinakamalaking Palaro sa buong bansa.

Umaasa naman ang bawat LGU sa lalawigan na mabilis itong masisimulan upang magamit na ng kanilang mga atleta na naghahanda na rin para sa Palarong Pambansa.

PHOTO: Bicol Boxing Hub / Pto Diaz Gymnasium sa Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *