Modified selection ng mga atleta sa Legazpi City para sa Palarong Bicol, sinimulan na

LEGAZPI CITY – Sinimulan na ang modified selection ng mga atleta sa Legazpi City bilang paghahanda sa nalalapit na Palarong Bicol taong 2023.

Ayon kay Francisco Dexter Sison, SDO Legazpi Sports Coordinator, ang rehiyon ay hinati sa apat na clusters upang masunod ang kondisyon ng modified na palaro ngayong taon.

Inihalimbawa nito ang cluster A na binubuo ng Naga City, Camarines Sur at Camarines Norte; cluster B naman ay Albay, Ligao City at Iriga City; cluster C ang Legazpi City at Tabaco City at Catanduanes; habang cluster D naman ang Masbate province, Masbate City, Sorsogon province at Sorsogon City.

Ayon kay Sison, ang magiging kwalipikado sa indibidwal na sports tulad ng badminton, table tennis, arnis ay maaaring pumasok sa palaro, subalit ito ay nakadepende kung makakapasok sila sa City Meet Division.

Aniya, ang measurables sports tulad ng archery, swimming athletics ay may pamantayang sinusunod, kung saan makakasali lamang ang atleta sa naturang sporting games competition kung naabot ang standard ng mga tournament managers.

Sinabi pa ni Sison, idadaos ang Palarong Pambansa sa iba’t ibang lugar sa rehiyon na nakatakdang isagawa sa Legazpi City, kung saan dalawang araw lamang ito sa buwan ng Abril 23-24 ng kasalukuyang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *