Modular o online classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Legazpi City, ipinatupad dahil sa tigil-pasada

LEGAZPI CITY – Pirmado ng City Disaster and Climate Change Resilience Council Chairperson at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal ang advisory tungkol sa class and work suspension sa lunsod dahil sa transport strike ngayon araw, Marso 6 hanggang 12.

Sa inilabas na abiso, ang mga pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lunsod, ay dapat na ilipat sa modular o online class dahil sa tigil-pasada.

Sa parehong abiso, ang pagsususpinde sa mga pasok sa gobyerno at pribadong institusyon ay nasa pagpapasya ng sarili nitong pamumuno o pamamahala ng pinagtatrabahuhan.

Bilang karagdagang abiso ng City DCC Resilience Council No.007, Series of 2023 at sa bisa ng discretionary power ng mga alkalde na nakasaad sa Local Government Code, ang pamahalaang lungsod ng Legazpi ay magpapatuloy sa paghahatid ng mga serbisyong pampubliko sa panahon ng transport strike.

Higit pa rito, ang lahat ng mga tanggapan sa lunsod na may mga service vehicle ay inaatasang magbigay ng mga serbisyo sa transportasyon sa kani-kanilang mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *