Mon Tulfo, nakapag-piyansa na

Nag-piyansa na ang brodkaster na si Mon Tulfo matapos ma-aresto dahil sa reklamong cyber-libel na inihain ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre.

Nakalabas na ng Manila Police District si Tulfo matapos mag-bayad ng P40,000 bail para sa pansamantala nitong kalayaan.

Ayon sa abugado nitong si Atty. Oscar Sahagun, P10,000 lang dapat ang piyansa para sa kaso ni Tulfo, pero pinataasan ito ni Aguirre dahil sa hindi pagdalo ng defendant sa pagdinig ng kanyang kaso.

Samantala, nakatakda namang isagawa ang pre-trial hearing ni Tulfo sa Lunes.

Mababatid na nag-ugat ang reklamong cyber-liber kay Tulfo dahil sa isang kolum nito na iniuugnay si Aguirre sa pastillas scheme sa NAIA.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *