Mona Alawi, ibinunyag ang rason ng kanyang pagpapaospital

Ibinunyag ni Mona Alawi, na kapatid ng sikat na vlogger na si Ivana, na meron siyang type 1 diabetes sa kabila ng kanyang murang edad.

Ayon kay Mona, hirap talaga siyang kontrolin ang kanyang blood sugar sa kabila ng mga tinuturok na gamot sa kanya na nagiging dahilan naman ng pagkakaospital nito ng maraming ulit.

Gayunman, sinabi ni Mona na sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 10 taon ay bumuti na ang kanyang sugar level matapos niyang malaman na meron palang pump sa Pilipinas na malaki ang naitutulong sa kanyang kondisyon.

Sa katunayan ay handa pa ang ate Ivana niya na magtungo sa Amerika para lang magpabili ng pump.

Sinabi ni Mona kung dati ay nakakaranas siya ng 300 o 400 na blood sugar level, ay ngayon bumababa na ito sa 90-140.

Para anya sa isang diabetic ay normal na ang 140.

Hindi naman natatapos ang kalbaryo ng nakababatang kapatid ni Ivana dahil ayon kay Mona ay nabigla ang kanyang katawan sa biglang pagbaba ng kanyang blood sugar level.

Tiniyak naman ni Mona na okay na siya ngayon, at curable naman ang kanyang karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *