Monitoring sa firecracker related injury ng DOH at PHO sisimulan ngayong araw

CAMARINES NORTE- Sisimulan na ng Department of Health at Provincial Health Office ngayong araw, Disyembre 21, ang monitoring sa firecracker related injury.

Tatagal ang monitoring hanggang sa Enero 5 kaugnay ito sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Hanggang Enero 25 naman ang reporting sa tetanus cases.

Noong nakaraang linggo ay inilatag ng iba’t- ibang ospital at ahensiya ang kanilang mga paghahanda kaugnay sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sa harap ito ng posibilidad na dumami ang mga mabibiktima ng paputok dahil kumpara noong nakalipas na dalawang taon sa kasagsagan ng pandemya, ngayong taon makakaranas ng maluwag o halos wala nang restriction sa galaw ng mga tao.

Noong 2020 isa lang ang naitalang firecracker related injury sa lalawigan habang dalawa naman noong 2021.

Ang dalawang nabiktima ng papurok ay dahil sa kwitis.

Matatandaan na una nang nagpaalala ang PHO at DOH sa publiko na para maging ligtas ang pasko at bagong taon ay huwag nang gumamit ng paputok sa halip ay gumamit na lang ng mga alternatibong pampaingay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *