MONITORING SA MGA ONLINE SELLERS, TINIYAK NG DTI-ISABELA

Tiniyak ng Department of Trade and Industry Isabela na patuloy ang kanilang pagbabantay at pagsusuri sa mga online sellers upang maiwasan na ma-scam ang mga mamimili.

Ito ang kinumpirma ni Trade and Industry Development Specialist Mark Jayson Andes sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, una nang naglunsad ang DTI ng online policing kung saan binabantayan ang ibinebenta ng mga online sellers at pagsunod sa fair-trade laws.

Napapalawak umano ang right to choose ng consumer dahil sa pagkakaroon ng e-commerce ngunit kailangang suriing mabuti ng mga konsyumer ang binibili online upang maiwasang maloko.

Bukod dito, bago aniya bumili ay kailangang tiyakin na legit ang mga seller kung saan pangunahing tinitignan ng DTI ay mga sellers na hindi naglalagay ng presyo sa kanilang mga posted products.

Pinayuhan naman nito ang mga konsyumer na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung mayroong nararanasang problema sa kanilang transaksiyon upang agad itong maaksyunan.

Kahalintulad lamang umano sa physical sellers ang ipapataw na multa sa mga online sellers depende sa mapapatunayang paglabag sa fair-trade laws.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *