Monkeypox, nakapasok na sa SoKor

Sumama na rin ang South Korea sa listahan ng mga bansang mayroong kaso ng Monkeypox.

Ito ay kasunod ng pagkakatala ng unang dalawang suspected cases ng Monkeypox sa nasabing bansa.

Ayon sa Yonhap News Agency, ang isang suspected case ay isang pasahero na dumating sa Incheon International Airport kung saan ngayon ay inoobserbahan ito sa Incheon Medical Center.

Kasalukuyang isinasailalim sa diagnostic tests ang mga hinihinalang kaso upang makumpirma kung Monkeypox ang dumapo sa mga ito.

Tumanggi namang mag-komento ang tagapagsalita ng Health Ministry ng South Korea.

Matatandaan na tinukoy ng South Korea ang Monkeypox bilang second-degree infectious diseases base ito sa kanilang 4-tier system. (LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published.