Moody’s, ibinaba ang 2021 PH economic growth forecast

Ibinaba ng Moody’s Investors Service ang economic growth forecast nito para sa Pilipinas.

Sa isang research note na inilabas ngayong araw, sinabi ng Moody’s na inaasahan na nilang aangat ng 5.8 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa, mas mabagal kaysa sa 7 percent forecast sa isang report na inilabas noong Enero.

Mas mababa rin ito sa conomic growth target range ng Pilipinas na 6.0 percent hanggang 7.0 percent na ni-revise ng ilang beses.

Anila, sa kabila ng makasaysayang economic contraction noong 2020, inaasahan nilang magdudulot ang recovery ng economic growth.

Gayunman, depende ang pag-rekober ng bansa sa mga di tiyak na mangyayari kaugnay ng COVID-19 pandemic pati na ang takbo ng vaccination program.

Para sa 2022, inaasahan ng Moody’s na lalago ang ekonomiya ng bansa sa 6.5 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *