Moratorium sa pag-ban ng mga pink salmon at pampano sa palengke, idineklara na ng BFAR

Idineklara na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang moratorium sa pagban sa pagbebenta ng pink salmon at pampano sa palengke.

Dahil dito ay tuloy ang pagbebenta ng naturang mga imported na isda sa mga palengke at hindi na muna kukumpiskahin ng BFAR.

Sa isinagawang press conference, sinabi ni BFAR OIC Demosthenes Escoto, ang naturang moratorium ay para bigyang-daan ang pag-review at pagrepaso sa Fisheries Administrative Order 195 na noong 1999 pa nabalangkas.

Nabatid na batay sa naturang kautusan, bawal sa mga palengke ang pink salmon at pampano dahil para lamang ito sa canning, processing, at institutional buyers kagaya ng hotels at mga restaurants.

Dagdag pa ni Escoto na ang moratorium ay kasunod sa mga samu’t saring reaksyon ng mga mambabatas sa naturang kautusan.

Una rito ay tinawag ng ilang senador ang order bilang “anti-poor” at “discriminatory” at hinikayat ang BFAR na ito ay rebyuhin.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *