Mortality rate sa CALABARZON, bumaba ayon sa DOH 4-A

Bumaba ang mortality rate o bilang ng mga namamatay na ina, sanggol at bata sa CALABARZON sa nakalipas na dalawang taon.

Sa ulat ni DOH-4A Assistant Regional Director Dr. Leda Hernandez, simula noong June 2022 hanggang ngayong 2024, sa kada 100,000 live births, bumaba sa 42 ang naitalang namatay na ina dahil sa panganganak.

Mas mababa ito kumpara sa baseline target na 70.

Pagdating naman sa infant mortality rate, sa kada 1,000 live births, bumaba sa siyam ang namatay, kumpara sa baseline target na labing-lima.

At sa mga Kabataang edad lima pababa, labing-dalawa ang naitalang namatay kumpara sa baseline target na 25.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *