‘Most Functional Reading Corner Contest’ inilunsad ng isang paaralan bilang pagkilala sa kahalagahan ng pagbabasa

Kinilala ng Tinampo Elementary School sa bayan ng Irosin, Sorsogon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng reading corner sa bawat silid-aralan bilang pasilidad ng suporta upang mapabuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral dito.

Ang patimpalak na “Most Functional Reading Corner Contest” ay naghihikayat sa mga guro at mag-aaral na pahusayin ang kanilang inisyatiba sa pagkamalikhain sa pagbibigay ng madaling pag-access sa nga nateryales sa pagbabasa ayon sa antas ng gardo, antas ng pagbasa at interes.

Bilang bahagi ng pamantayan at alituntunin, ang bawat antas ng baitang o grade level ay magpo-post ng hindi bababa sa tatlong larawan ng kanilang reading corner para sa layunin ng ‘audinece impact’ sa pamamagitan ng facebook likes/reactions.

Ang Tinampo ES ay matatagpuan malapit sa paanan ng Bulkang Bulusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *