Most wanted Mafia boss ng Italy arestado sa Sicily

Naaresto ng mga otoridad sa Sicily ang most wanted na Mafia boss ng Italy na si Matteo Messina Denaro matapos ang 30 taon na pagtatago.

Ayon sa report, naaresto si Denaro at ngayon ay naka-detain sa isang pribadong klinika sa Sicily capital city Palermo kung saan siya ginagamot sa cancer.

Sa report, naging regular ang pagbisita ni Denaro sa klinika para sa kanyang chemotherapy pero gumagamit ng ibang pangalan.

Napag-alaman na umabot sa mahigit 100 miyembro ng armed forces ang nagtulong-tulong para sa pag-aresto sa suspect na leader ng notoryus na Cosa Nostra Mafia na nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong noong 2002.

Sangkot ang grupo sa hindi na mabilang na kaso ng murder kabilang ang 1992 killing ng anti-Mafia prosecutors na si Giovanni Falcone at Paolo Borsellino, 1993 bomb attacks sa Milan, Florence at Rome at ang pagdukot at ang pag-torture at pagpatay sa 11-year old na anak ng isang mafioso na naging testigo.

Dati nang ipinagmalaki ni Denaro na maaari na siyang makapuno ng isang sementeryo sa dami ng kanyang naging biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *