Most wanted na si ‘Sunsilk’ na may kasong rape, tiklo ng Laguna PNP; isa pa, arestado rin

Naaresto ang dalawang inbidwal na itinuturing na Most Wanted Person – Regional Level sa ikinasang manhunt operation ng mga otoridad sa Laguna.

Kinilala ni Acting Provincial Director PCol. Randy Glenn Silvio ng Laguna PPO ang unang akusado na si alyas “Sunsilk” na residente ng Morong, Rizal.

Nahuli ito sa inilunsad na manhunt operation ng San Pedro City Police Station noong Enero 16, 2023 sa Brgy. Quisao, Pililla, Rizal sa bisa ng warrant of arrest.

Si Sunsilk ay nahaharap sa kasong Statutory Rape na walang nirerekomendang pyansa at Rape by Sexual Assault.

Sa hiwalay naman na manhunt operation ng Cabuyao City Police Station ay naaresto ang isa pang suspek na si alyas “Francisco” sa Barangay Dos Poblacion, Cabuyao City, Laguna.

Sa bisa ng warrant of arrest ay hindi na nakapalag pa ang suspek na nahaharap sa kasong 4 counts na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga akusado ay nasa kustodiya na ng kanya-kanyang operating unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *