Most wanted person sa kasong Estafa at illegal recruitment sa Bicol arestado


LEGAZPI CITY – Mahigit anim na taon na nagtago ang Rank No. 3 Regional Most Wanted Person sa Bicol matapos itong mahuli ng mga operatiba ng Legazpi CPS, kaakibat ang mga tauhan ng PIT-Albay, Albay 2nd PMFC, at Cainta Rizal dakong 6:30 ng umaga sa 255D, The Cambridge Village, San Andres Cainta, Rizal.

Sa mas pinaigting na “manhunt operation” ng mga tauhan ng nabanggit na yunit, at sa bisa ng “warrant of arrest” at sa ilalim ng mga Criminal Case Numbers na 12837 hanggang 12864 para sa mga kasong “Estafa at Illegal Recruitment” ay matagumpay na naaresto si “Emmanuel”, 56 anyos at naninirahan sa nabanggit na lugar.

Sakaling mapatunayan sa korte, maaring hindi na makalabas pa ng kulungan si “Emmanuel” dahil walang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamatalang kalayaan.

Agad ring dinala sa himpilan ng Pulisya ng Legazpi ang nasabing akusado para iharap sa korte na nagpalabas ng kanyang warrant of arrest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *