Most wanted sa Sorsogon nahuli sa Quezon City

SORSOGON CITY – Naaresto na ang rank No. 1 most wanted person ng Irosin Police na may kinakaharap na kasong rape.

Kinilala itong si Renato Genavia Gelilio, 55-anyos, may asawa at residente ng Brgy Gulang-Gulang, Irosin, Sorsogon.

Ang dating Barangay Kagawad ay nahuli sa Brgy Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 55 na walang itinakdang piyansa.

Nabatid na ang biktima ni Gelilio ay may kakulangan sa pag-iisip at kapitbahay lamang.

Ang kaso ay nag-ugat mahigit limang taon na ang nakakaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *