Mosyon nina dating unang ginang Imelda at Irene Marcos na ibalik ang kanilang properties at assets, ibinasura ng Sandiganbayan

Ibinasura ng Sandigayanbayan ang mosyon nina dating unang ginang Imelda Marcos at anak na si Irene Marcos-Araneta na mabawi ang mahigit 20 nilang properties at assets.

Kasama ito sa civil suit sa Presidential Commission on Good Government na ibinasura noong 2018.

Dahil nabasura na ang kaso, nais ng mag-inang Marcos na ituring na itong hindi ill-gotten wealth at ibalik na sa kanila ang mga ari-arian.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 4th division, walang merito ang apela ng mag-inang Marcos partikular ang kanilang argumento na nawala umano ang kanilang mga assets sa ilalim ng PCGG at iligal umano ang pinasok na compromise agreement ng pamahalaan sa mga Marcos o defendant.

Nasa 96% o mahigit 20 bilyon ng mga assetsĀ  ang narekober na habang 70 pang mga ari-arian o katumbas ng 1.8 billion pesos ang bahagi pa ng inaapelang kaso.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *