Local News

Motel/lodging house sa lungsod, matumal ang pasok ng costumers ngayong Valentine’s Day

Aminado ang pamunuan ng mga motels at lodging houses sa lungsod ng Sorsogon na bahagyang humina ang pasok ng costumers kahit Valentine’s Day na.

Sa pahayuag sa Brigada News, sinabi ng mga ito na marami pa ring may mga bakanteng kuwarto kumpara sa mga nakalipas na taon na bespiras pa lang ng Araw ng mga Puso ay fully booked na sila, samantalang ngayon aniya ay halos bibihira ang nagpareserve ng mga kuwarto.

Ayon sa mga ito, marahil dala ng krisis at mataas ng presyo ng mga bilihin, tila mas nagiging praktikal ngayon ang mga couples lalo na’t alangin umano ito sa araw ng sahod.

Karamihan kasi ay a-15 ang pasok ng suweldo, kaya umaasa pa rin sila na ang ilang customers ay magche-check-in pagkatapos ng Araw ng mga Puso.

Wala naman halos pinagbago sa presyo ng mga motels at mga Inns na halos  lahat naglalaro sa P600-P700 sa short time para sa air-conditioned rooms; P300-P400 naman sa ordinary room habang nasa P700 sa overnight, ngunit kung air-contioned rooms naman para sa mag-oovernight stay ay naglalaro ito sa P1100-P1400.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Pagkalunod, ikinamatay ni Danica Pajate

Pagkalunod ang naging sanhi ng pagkamatay ng 18 anyos na dalagang si Danica Pajate na…

59 mins ago

Transport Sector sa Naga City tutulong sa trapiko sa pagsalubong sa bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY – Pinulong ngayon ng Public Safety Office ang presidente at opisyales ng mga…

2 hours ago

SSS RACE campaign, prayoridad ang empleyado; hindi panggigipit sa mga employers

Nagsagawang muli ang SSS ng tinatawag na Run After Contribution Evaders o RACE noong Biyernes,…

2 hours ago

7 contribution evaders sa Naga City, inisyuhan ng written order ng SSS

NAGA CITY - Inisyuhan na ngayong araw ng written order ang pitong contribution evaders sa…

2 hours ago

Tubig, naging problema ng mga atleta ng Naga City sa unang araw ng Palarong Bicol sa Legaspi City

NAGA CITY – Naging problema din ng mga atleta ng Naga City na kalahok sa…

3 hours ago

MANIBELA – papasada pa rin sa kabila ng pagtatapos ng franchise consolidation

Idiniin ng grupong MANIBELA na kahit na paso na ang deadline para sa franchise consolidation…

3 hours ago