Motibo sa pananambang sa bayan ng Quezon, hindi pa alam ng pamilya

Blangko pa sa ngayon ang pamilya ni Beviolito Nuñez Maraasin alyas “Bebot” ng Quezon Palawan sa motibo ng pamamaril dito ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada sa pamilya nitong Miyerkoles, inihayag nila na wala silang alam na dahilan para barilin si Beviolito nitong gabi ng Linggo sa Sitio Sarangsang, Brgy. Panitian, Quezon.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa kaliwang hita pero nagawa niyang makatakas hanggang siya’y makita ng mga pulis sa feeder road noong gabing iyon.

Iginiit ng pamilya na walang kaaway ang padre-de pamilya na isang public relation assistant ng Sangguniang Bayan sa munisipyo.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *