Motion to quash, ihahain ng kampo ng aktibistang naaresto sa Naga City

NAGA CITY-  Maghahain ng “Motion to quash” , ito ang kumpirmadong magiging susunod na hakbang ng kampo ng aktibistang si Maria Jesusa alyas “Sasah” Sta.  Rosa, Spokesperson ng Jovenes Anakbayan-Bicol.

Matatandaan na naaresto si Sasah nitong Mayo 2 sa Naga City. Nakapalaman sa search warrant mula kay Vice Executive Judge Edgar L. Armes ng RTC Legazpi ang umano’y paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act at Republic Act No. 9516 o Illegal Possession of Explosives. Pending pa ang mga kasong ito ayon sa mga abogado at walang arrest warrant.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Camarines Sur at  CIDG National Capital Region.

Hindi nababali ang paniniwala ng panig ng Jovenes Anakbayan-Bicol Spokesperson na marami ang hindi tama sa naging proseso ng pagsilbi ng search warrant. Matatandaan na sinabi ng grupo ni Sta. Rosa na planted umano ang mga nakuhang umano’y bala ta baril.

Titindig na abogado ang kilalang propesor na si  Atty . Ricky Tomotorgo  at Multi-awarded Former City Mayor Atty. John Bongat.  Nakasuporta rin ang Ateneo de Naga University College of Law Professors.

Dumaan na sa Online Inquest Proceedings nitong Mayo 4 si Sta. Rosa  sa CIDG, naifile na ang kaso laban dito, pagdating ng commitment order ililipat ang naturang aktibista sa nararapat na jail-holding facility.

Samantala sa isang pagpupulong hiniling ng lokal na pamahalaan ng Naga sa Naga City Police Office ang kaligtasan ni Sta. Rosa at paggalang sa karapatang pantao nito habang nasa kustodiya ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *