Motor na nakaparada sa labas ng bahay, ninakaw

Nanawagan ngayon ang pamilya Tedoco ng Barangay Dumarao sa Roxas, Palawan sa maaring nakakita ng kanilang motorsiklo matapos umano itong nakawin ito sa kanilang bahay noong Linggo ng gabi, ika- 19 ng Pebrero 2023.

Ayon Kay Mariel Tedoco, ang motorsiklo ay pag mamay-ari ng kanyang Kapatid na si Reymark Tedoco, na ginagamit bilang service sa pag aaral.

Ang motorsiklo ay isang Wave 110 kulay blue at may gasgas ang cover at headlight nito.

Sa maaring nakakita o mapagbintahan ng ninakaw na motor ay maaring makipag ugnayan agad sa mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *