Motorcycle taxis, nais na gawing PUVs upang legal na makapaghatid ng pasahero

Isinusulong ni Senator JV Ejercito ang agad na pagsasabatas sa Senate Bill 167 o Public Utility Motorcycles Act na layong amyendahan ang Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code para payagan ang mga motorsiklo na maging PUVs na legal na maghahatid ng mga pasahero na may bayad.

Sa panukala, ang mga motorcycle rider ay kailangang dumaan sa mandatory training para matiyak ang safety o kaligtasan ng mga pasahero.

Maraming pang senador ang naghain ng mga panukala para sa i-legalize ang “motorcycle for hire” kabilang sina Senators Grace Poe, Sonny Angara, Imee Marcos at Ramon Bong Revilla Jr.

Sa kasalukuyan, ang mga mga motorcycle taxis ay nag-o-operate sa pamamagitan ng  provisional authority mula sa Department of Transportation (DOTr).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *