Motorista na sangkot sa road rage incident sa Valenzuela City, humarap na sa publiko

Humarap na sa publiko ang motorista na sangkot road rage incident sa Valenzuela City.

Ayon kay Marlon de Jesus Malabute, ayaw muna niyang magkomento hinggil sa insidente at sa korte na siya magpapaliwanag.

Giit ni Malabute, may paliwanag siya sa pagbunot ng baril at hindi makikita sa dash cam ang buong pangyayari.

Samantala, pinagsabihan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang motoristang naglabas ng baril dahil tila walang pagsisi ang lalaki sa kanyang gawi na nakunan pa sa dashcam.

Una nang ni-revoke ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office ang baril ni Malabute, at sinampahan ng reklamong grave threats at alarm and scandal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *