Motorsiklo ng pulis, ninakaw ng 2 bagets- huli

Sinampahan na ng paglabag sa New Anti-Carnapping Law sa City Prosecutor’s Office ng Puerto Princesa City ang dalawang menor de edad na suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo noong Hunyo 27, 2024.

Ang kaso, ay isinampa noong Hunyo 29, 2024, sa pamamagitan ng inquest proceedings sa ilalim ni Assistant City Prosecutor Maria Rhodora P. Untalan.

Ang mga suspek, naaresto dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo ni PSSg. BENJAMIN LIM JR., miyembro ng PPCPO, sa Rengel parking area sa harap ng Music Hub, H. Mendoza, Barangay Model, Puerto Princesa City.

Hindi na idinetalye ng PPCPO kung paano at saan narekober ang motorsiklo habang nasa kustodiya pa ito ng mga suspek.

Ayon sa City Police headquarter, ang mga menor de edad ay maaaring  makasuhan kapag na determina ng City Social Welfare and Development na may discernment o kakayahan na maunawaan at maipahayag ang kanilang sariling desisyon sa isang partikular na sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *