Local News

Motortrade-Sorsogon nag-donate ng antigen test kits sa Sorsogon Provincial Hospital

SORSOGON CITY – Namahagi kamakailan ang Motortrade-Sorsogon ng mga antigen test kits sa Sorsogon Provincial Hospital.

Kabuuang 1,000 kits ang naipamahagi ng Motortrade upang maipagpatuloy ng ospital ang pagsasagawa ng mga testing at matulungan ang lalawigan sa laban kontra Covid-19.

Masaya namang tinanggap ng Prov’l Health Officer na si Dr Renato Bolo at Chief of Hospitals na si Dr Robby Chacon ang mga antigen test kits sa ginanap na simpleng turn-over ceremony sa loob ng nasabing ospital.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa Motortrade Regional Manager na si Christopher Opeña, sinabi nito na ang donasyon ay  bahagi ng kanilang Corporate and Social Responsibility (CSR) bilang isang pribadong sektor na nais makatulong ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, maliban sa nauna na nilang programa na pagbibigay ng ayuda sa mga tricycle driver sa ilalim ng kanilang ‘Life and Livelihood Assistance Foundation,’ layunin din nila na tulungan ang mga ospital at mga frontliners.

Ang antigen test kits na mula sa Sugentech, ay isa sa apat na klase ng testing na ginagamit ng mga medical personnel sa pag-detect ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 o SARS CoV-2, na siyang nagdudulot ng sakit na mas kilala sa tawag na Covid-19.

Sa antigen ay tinetest ang kasalukuyang impeksyon at dinedetect ang protein ng virus na mas kilala bilang rapid test. Ang anti-body testing ay inaalam naman kung nagkaroon na ng dating impeksyon sa virus.

Ang Motortrade ay siyang tinaguriang ‘leading motorcycle dealer in the Philippines,’ may dalawang sangay sila sa lungsod na matatagpuan sa Brgy Piot at Magsaysay Street.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago