CAMARINES NORTE- Pumirma sa isang Memorandum of Understanding o MOU ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte at mga kinatawan ng iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno para sa Balay Silangan alinsunod sa Dangerou Drugs Board Regulation No. 2 series of 2018.
Ang pagkakaroon ng Balay Silangan ay sinimulan noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa War on Drugs campaign.
Nakapaloob sa MOU ang mga gampanin at responsiibilidad ng iba’t- ibang ahensiya maging ang monitoring ng mga aktibidad dito.
Sa panig ng lokal na pamahalaan pinanguhan ni Mayor Alex Pajarillo, ang paglagda sa MOU, MSWDO Annie Baynas, Balay Silangan Focal Person Ramil Apolinario, DTI Negosyo Center Manager Telesforo Zaldua at Sk Federation Pres. Rochelle Bernas.
Pumirma din sina Mercedes District Supervisor Emelda Acuesta, PMaj. Romeo Benito Hugo COP Mercedes, PDEA Regional Director Edgar Jubay at PLt.Col.Eusebio Arturo Estopare ang Deputy Provincial Director for Administration ng CNPPO.
Ang pagkakaroon ng Balay Silangan ay isa rin sa pre- requisites para maideklara nang DRUG CLEARED ang isang munisipalidad bagay na malapit na umanong makuha ng bayan ng Mercedes.
MIO Mercedes
