MP Promotions target ang world title fights para kay Bornea-Tapales sa March 2023

May aabangan ang Filipino boxing fans sa susunod na taon, matapos na plano ni MP Promotions President Sean Gibbons na ibigay kina Jade Bornea at Marlon Tapales ang pinaka-inaabangan na world title fights.

Sina Bornea at Tapales ay parehong number one contenders sa IBF world super flyweight at super bantamweight titles.

Ayon kay Gibbons, target niya na magcompete ang dalawang fighters sa unang quarter ng 2023.

Si Bornea, na may 18-0 record at 12 knockouts bilang isang pro boxer, ay huling nakita sa aksyon sa activity fight noong Agusto laban kay Ivan Meneses, kung saan nanalo ito via technical knockout, habang si Tapales naman ay huling lumaban noong Mayo kung saan nanalo siya sa pamamagitan ng knockout.

Samantala, sinabi ng MP Promotion, na kailangang maghintay ang parehong fighters para sa kani-kanilang world title shots at hindi muna tatanggap ng laban hanggang sa itinakdang panahon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *