MPA sa Calatagan, Batangas, malusog at walang banta ng Taeng Kalabaw starfish

Malusog, malinis at wala nang banta ng Crown of Thorns (COTs) o Taeng Kalabaw starfish ang 11 ektaryang Sta. Ana Marine Protected Area (MPA) sa Barangay Sta Ana, Calatagan, Batangas.

Ito ang naging resulta ng isinagawang Coral Reef Monitoring ng Calatagan Volunteer Divers sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa Calatagan.

Ayon sa MENRO, ang naturang aktibidad ay may layuning ma-update ang coral reef status sa loob at labas ng MPA kabilang ang coral covered, fish indicators at presenya ng mga invertebrates.

Sa pamamagitan anya nito ay mabantayan ang mga bahura o coral laban sa patuloy na banta ng COTs.  

Matatandaang isa ang bayan ng Calatagan sa nagdeklara noon ng COTs outbreak dahil sa pananalasa ng coral eating starfish sa kanilang mga MPAs.

Dahil sa tuloy-tuloy ng clean-up drive at monitoring ay tuluyang napigilan ang pagdami ng COTs sa naturang MPAs.

Leave a Reply

Your email address will not be published.