Editors Pick

MPD Dir. Dizon, nagbabalang may kalalagyan ang mga pulis na magbabalak mangotong

Nagbabala si Manila Police District Dir. Brig. Gen. Andre Dizon sa mga pulis na nagbabalak pang mangotong na ihinto na nila ito.

Ito nga ay makaraang ma-aresto kamakalawa ang tatlong pulis-Maynila dahil sa ‘di umano’y pangongotong sa mga na-impound na traysikel dahil sa paglabag nito sa batas trapiko.

Huli sa entrapment operation ang tatlong mga personnel dahilan para ma-relieve ang lahat ng mga tauhan ng Paco Police Community Precint pati na rin ang commander nito.

Ayon kay Dizon, dapat ay magsilbi na itong paalala na sa ilalim ng bagong liderato ng Pambansang Pulisya – wala silang sasantuhin at ito-tolerate na mga kalokohan ng kanilang mga tauhan.

Hindi rin daw sila magaatubiling sibakin sa puwesto ang mga pulis na mapatutunayang sangkot sa katiwalian at kasuhan ng mga kasong kriminal at administratibo.

Sa ngayon, ang mga pulis na kinilalang sina P/SSg. Erwin Licuasen, P/Cpl. Chimber Rey Importa at Pat. Leopoldo Tuason, ay dinala na sa headquarters ng IMEG sa Kampo Krame.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago