MR OPV SIA 2023 pinalawig hanggang June 15, mga magulang hinimok na pabakunahan ang kanilang mga anak na 0-59 months old

CAMARINES NORTE- Pinalawig ng dalawa pang linggo o hanggang June 15 ang Measles-Rubella and Oral Poliovirus Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) 2023 partikular sa mga lugar na hindi nakaabot ng 95 % ng projected population tulad ng Camarines Norte.

Batay ito sa inilabas na Memorandum ni Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire para maabot ang nalalabi pang 2.3 million na 9-59 months old na hindi pa nababakunahan kontra Measles at rubella.

Sa isang Press Conference sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na mataas naman ang accomplishment ng lalawigan kung ang pag uusapan ay actual population ng mga bata sa naturang age group na nabakunahan na nasa 99. 8 %.

Pero mayroon umanong projected population na ibinigay ang Department of Health kung saan nasa 72. 3 % lang ang accomplishment ng lalawigan.

Paliwanag ni Francisco malaki ang deperensya sa target at projected population.

Nasa 47, 276 umano ang actual population pero ang projected population ng DOH ay nasa 76, 188.

Kaya lumalabas umano na mayroon pang nasa 20, 000 mga bata ang kanilang hinahanap.

Hinimok naman ni Francisco ang mga magulang ng mga bata sa naturang age group na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra Measles at Rubella upangf maisgurong protekado ang mga ito.

Sa ngayon umano ay negative sa Measles at Rubella ang Camarines Norte batay sa ipinadalang specimen samples dalawang linggo lang ang nakakalipas.

Pero dahil hindi nakapagbakuna noong kasagsagan ng pandemya ay inilunsad ang MR OPV SIA para masigurong ligtas ang mga bata.

Nagpasalamat naman si Francisco sa mga RHU partikular sa mga nurse, midwife at BHW na nagtulong- tulong para abutinĀ  at bakunahan ang mga bata hanggang sa pinakamalalayong Barangay sa buong buwan ng Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *