MSWD Office sa Bayan ng Jose Panganiban, nagsagawa ng orientation tungkol sa Anti-Online Sexual Abuse at Anti-Child Abuse

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng orientation ang MSWD office ng bayan ng Jose Panganiban patungkol sa Anti-Online Sexual Abuse or Explotation of Child at Anti-Child Abuse or Exploitation Materials.

Naganap ito noong ika-28 ng Marso na dinaluhan ito ng LCAT VAWC members, Punong Barangay, at VAWC officers sa nasabing bayan.

Dinaluhan ang nasabing oryentasyon ng Committee Chairperson ng Women, Children, Family Relations and Gender Equality at DILG Municipal Operations Office.

Layon ng aktibidad na magkaroon ng kaalaman ang bawat isa patungkol sa anti-trafficking law na Anti-Online Sexual Abuse at Anti-Child Abuse dahil matagal ng nagiging biktima ang ating mga kababaihan at kabataan ng sexual abuse at patuloy pa itong pinalala ng social media at internet.

PHOTO COURTESY: Public Information Office – Jose Panganiban

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *