MSWDO Camalig, pinalakas ang unlad kabataan program para sa mga out of school youth

LEGAZPI CITY – Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Camalig, Albay ang pagpapalakas ng ‘Unlad Kabataan’ Program sa nasabing bayan.

Ito ay kasunod ng pagkakaroon ng Pag-Asa Youth Association of the Phillippines (PYAP) orientation na naglalayong mas mapabuti ang kasalukuyang sitwasyon ng mga out of school youth (OSY) sa lugar.

Ang nasabing programa ay nakatuon sa pagbibigay-motibasyon upang maging aktibong bahagi ng lipunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal na pag-unlad.

Ito ay alinsunod sa resolution no. 0173-2022 ng Sanguniang Panlalawigan ng Albay na inaatasan ang bawat barangay na bumuo ng PYAP organization.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang mga hakbang ng MSWDO upang mabigyan ng pagkakaton ang mga OSY na magkaroon ng patas na oportunidad sa edukasyon, trabaho at kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *