Mt. Bulusan, nasa Alert Level 1; komunidad pinag-iingat

SORSOGON CITY – Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang antas ng alerto sa Mt. Bulusan dahil sa patuloy na mga seismic activity.

Ayon sa tala ng Phivolcs, 124 volcanic earthquakes ang naitala simula noong Mayo 8 at sinundan ito ng steam-driven o phreatic explosion sa tuktok ng bunganga ng bulkan.

Sa ground deformation data ay nakitaan ng pamamaga sa katawan ng bulkan simula noong Marso 6 ngayong taon.

Dakong alas 7:00 ng gabi noong Martes nang itinaas mula sa alert level 0 (normal) patungo sa alert level 1 (abnormal) kung kaya agad na inalerto ang lahat at ipinagbawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius ng Permanent Danger Zone dahil sa peligro ng phreatic explosion.

Pinayuhan din ang Civil Aviation authorities na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil ang abo mula sa anumang biglaang pagsabog ay maaaring mapanganib sa sasakyang panghimpapawid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *