MT Princess natuklasang isang scrap ship at dalawang beses na ginawa upang maging isang tanker

Natuklasan ng Department of Justice na isang scrap ship at dalawang beses nang ginawa bilang isang tanker ang lumubog na MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Mindoro.

Ayon kay Justice secretary Jesus Crispin Remulla, mayroong misinterpretations sa kondisyon ng barko matapos sabihin ng mga may-ari sa DOJ at Philippine Coast Guard noong Sabado na dalawang taong gulang pa lamang ang tanker, na bago sa pamantayan ng Pilipinas.

Dahil rito, nangangalap pa ng ibang impormasyon ang gobyerno para sa posibleng pagsasampa ng reklamo laban sa mga personalidad sa paglubog ng MT princess.

Sinabi ni Remulla na tinitingnan din ng DOJ ang lahat ng posibleng anggulo katulad ng pinsala sa kapaligiran, panganib sa kalusugan at pinsala sa biodiversity ng bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *