MTRCB inamin na hindi kayang isama sa kanilang mandato ang pagkontrol sa video at online games

Inamin ng Movie and Television Review and Classification Board na hindi nito kayang isama sa kanilang mandato ang pagkontrol sa video at online games.

Ginawa ni MTRCB chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio ang posisyon sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media nang matanong ni panel chairperson Sen. Robin Padilla kaugnay ng Senate Bill 1063 na ipinanukala ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Sinabi ni Padilla na may ilang mga laro na mayroon nang ratings, gaya ng kung anong age group ito pinapayagan.

Ngunit paliwanag ni Sotto-Antonioa, hindi maaaring i-apply sa Pilipinas ang ratings na video at online games dahil sa pagkakaiba ng halaga nito kumpara sa ibang bansa.

Sa panukalang Video and Online Games and Outdoor Media Regulation Act ni Gatchlian layunin nito na amiyendahan ang Presidential Decree No. 1986 o pagbuo ng MTRCB, na pagtibayin ang kaligtasan at kagalingan ng mga bata sa gitna ng kanilang exposure sa teknolohiya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *