“Mulat” communication plan, inilunsad ng AFP kontra misinformation sa WPS

Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang “Mulat” Communication Plan kontra misinformation sa West Philippine Sea.

Binigyang-diin ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na ang “Mulat” ay naglalayong palakasin ang transparency, kontrahin ang disinformation, at palakasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga karapatan at interes ng Pilipinas sa rehiyon.

Tema ng nasabing Communication Plan ang “Our Seas, Our Rights, Our Future” na sumasalamin sa dedikasyon ng AFP na makipagtulungan sa lahat ng stakeholders sa pagsisikap na ipagtanggol ang ating karagatan, karapatan, at kinabukasan.

Sa pamamagitan aniya ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko, mapagbubuklod nito ang mga Pilipino sa pagtataguyod ng interes ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *