Muling pagbuhay sa Bacon airport, isinulong sa Sangguniang Panlalawigan

Muling isinulong sa Sangguniang Panlalawigan ang usaping pagbuhay muli sa Bacon Airport sa lungsod ng Sorsogon.

Sa session, inaprubahan ng SP ang komite ni First District Board Member Ryan Dioneda na pag-aralan at bumuo ng resolution na pinapayagan ang Pamahalang Lalawigan sa pangunguna ni Governor Boboy Hamor na pumasok sa isang Memorandum of Agreement o MOA kasama ang Pamahalang lungsod ng Sorsogon at Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP para repasuhin ang posibleng pagsasaayos ng mga pisikal na istruktura at operasyon ng Domestic Airport sa distrito ng Bacon.

Matatandaan na sinabi noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ito ang mas malapit na alternative airport na hindi gaanong apektado kapag nag-aalburuto ang Bulkang Mayon lalong-lalo na kapag magdadala ng mga produkto sa lalawigan ng Albay.

PHOTO: Glen Olayres Belarmino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *