Muling paglapit ng barko ng China Coast Guard sa Palawan – ikinabahala ng mga residente

Ikinabahala na ng mga residente sa Palawan ang paglabas-pasok ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) sa Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea.

Kahapon, muling namataan ang Chinese Coast Guard Vessel na may bow number 3305 na may layong 40 nautical miles sa El Nido, Palawan ayon kay US Maritime Expert Ray Powell.

Ang ginagawang intrusive patrol ng Chinese Coast Guard ay nagdulot ng pangamba sa mga Palaweño dahil walang kahirap-hirap ang pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng bansa.

Matatandaan, una nang namataan ang ‘Monster Ship’ ng China malapit sa El Nido Palawan at ang pagdaan ng mga Chinese Navy Warship sa Balabac Strait noong nakalipas na buwan.

Samantala, una na rin sinabi ng mga lokal na mambabatas sa lalawigan na paghandaan ang posibleng kahihinatnan ng lumalalang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo. (with reports from SARAH PELAYRE – 103.1 BNFM PALAWAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *