Muling pagparehistro sa mga bibiyaheng tricycle kung gabi pinaplano ng Naga City Government

NAGA CITY – May plano ngayon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga na muling obligahin ang mga driver na kumakayod sa gabi na iparehistro ang kanilang minamanehong tricycle.

Tulad ng dati, ang mga driver ay tutungo sa police station para ipatala ang kanilang minamanehong tricycle na dati na ring ginawa at ipinatupad noong nakaraang mga taon.

Ang pinakalayunin nito ay ma-monitor ng pulisya ang mga sasakyang pampubliko sa gabi.

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni City Administrator Elmer Baldemoro na pag-uusapan pa ito kung papano ipapatupad ng pulisya batay na rin sa mabubuong sistema at proseso.

Aniya’y malaking tulong ito kung muling mangyayari dahil sa magiging hadlang ito sa anumang mga krimen na puwedeng mangyari na posibleng kasangkutan ng pasaway na driver. Bukod pa sa tricycle, isyu pa rin sa transportasyon ang mga kumakayod na mga habal-habal, na ayon kay Baldermoro ay kailangan na maisaayos o masolusyonan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *