Mulitar at mga rebelde nagkasagupa muli sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Matapos ang engkwentro sa Garchitorena, nagkasagupa muli ang mga militar at grupo ng mga rebelde sa karatig bayan na Lagonoy.

Nangyari ito sa  Barangay Pinamihagan, ala-1:15 ng hapon nitong araw ng Lunes, Mayo 1.

Matapos ang labing limang (15) minutong palitan ng putok, agad na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa magkakaibang direksyon, habang muli ring nakarekober ang tropa ng gobyerno ng mga armas at kagamitan mula sa kalaban kabilang ang isang M653 rifle, isang KG9, isang bag pack at mga subersibong dokumento.

Kaugnay nito, muli namang pinaalalahanan ni Major General Adonis R. Bajao, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) ang mga miyembro ng nakasagupang armado na talikuran na ang armadong pakikibaka at makiisa sa mga programa ng pamahalaan sa kanilang pagbabagong buhay.

Matatandaan na noong Abril 30 nang makabakbakan  ang 83IB at mga rebelde sa Barangay Salvacion, Garchitorena kung saan nasamsam din ang mga gamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *