Multi-agency send off at turn-over ceremony ng security forces and resources, isinagawa ng SPPO

Nagsagawa ang Sorsogon Police Provl Office ng Multi-Agency Send Off and Turn-over Ceremony ng Security Forces and Resources, umaga noong Sabado sa loob ng Punong Himpilan nito sa Camp Salvador Escudero Sr.

Sa pagtitiyak na ang paparating na BSKE 2023 ay mananatiling mapayapa, malinis at tapat, ang SPPO, Phil Army at Phil Coast Guard (PCG) ay nagkaisa sa pag-deploy ng kani-kanilang mga tauhan sa ibat-ibang lugar sa lalawigan para tumulong sa Commission on Elections (Comelec) at Department of Education (DepEd) para sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Nagpadala ng kabuuang 1,007 troopers na kinabibilangan ng 385 na mga sundalo at 70 mula sa PCG kasama rin ang mga mobility equipment resources para magamit sa halalan ngayong araw katulad ng patrol cars, transport vehicles, tucks, rescue vehicles, ambulance at iba pang special purpose vehicle.

Nagpapatuloy pa rin ang checkpoint kasama ang Comelec habang umiiral pa rin ang gun ban at  noong Linggo hanggang ngayong araw ng halalan ay umiiral na ang liquor ban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *