Multi-talented na aso, nakamit ang titulo sa Guinness World Record bilang pinakamaraming baryang nailagay sa alkansiya

LIKAS sa atin ang pagiging magastos ngunit, ano na lamang ang magiging reaksiyon mo kung mistulang mas magiging masinop at matipid pa sa iyo ang isang aso?

Kamakailan kasi ay isang talentadong aso ang kinilala dahil sa kakayahan nitong makapalagay o makapaghulog ng bariya sa isang alkansiya.

Dahil riyan nakamit ng asong nagngangalang Leo ang titulo sa Guinnes World Record na “Most Coins Deposited into a Piggy bank by a Dog in 1 minute” .

Nakapagtala si Leo ng 23 barya sa isang transparent piggy bank kung saan napalitan umano nito ang dating may hawak ng titulo na may rekord na 18 pirasong baryang naipasok sa piggy bank.

Maliban riyan, kayang-kaya din ng asong si Leo ang ginagawa ng isang karaniwang tao na magpinta ng isang larawan, maglaro ng tennis at gumawa ng CPR maneuvers.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *