Multipartite Monitoring Team, wala pang nakikitang bayolasyon sa coal mining project sa Brgy. Ned, Lake Sebu

KORONADAL CITY- WALA pang nakikitang bayolasyon ang Multi-partite Monitoring Team o MMT sa coal mining operation ng San Miguel Corporation o SMC sa Barangay Ned, Lake Sebu.

Inihayag ni Provincial Environment Management Officer o PEMO Seigfred Flaviano ito ay dahil hindi pa naman umano nakakapagsimula ng full operation ang naturang kompanya.

Ayon kay Flaviano na nasa pre-stripping stage pa lamang ang SMC sa kung saan nagsasagawa ang mga ito ng clearing sa surface area, nag-aayos ng daan at nagtatayo ng siltation pond.

Sa 2nd at 3rd quarter ng taon, inaasahan ang full operation ng coal mining project.

Samantala, inihayag din ng opisyal na kumuha na ang MMT ng baseline data ng water at air quality at iba pang paramaters sa coal mining area na magiging basehan ng kanilang monitoring oras na magsimula na ang operasyon ng nasabing kompanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *