Mungkahi ni Pangulong Duterte na armasan ang mga civilian anti-crime group, suportado ni Sen. Dela Rosa

Suportado ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan o bigyan ng baril ang mga sibilyan na nati-crime group.

Ayon kay Sen. Dela Rosa na dating namuno sa Philippine National Poliice (PNP) magiging malaking sa gobyerno ang pagkakaroon ng dagdag na pwersa para sa pagpapanatili ng peace and order.

Aniya, wala siyang nakikitang problema kung sakaling aarmasan ang mga sibilyan na magiging katuwang sa paglaban sa krimen basta’t mayroon silang supervision.

Mababatid na mariin ang pagkontra rito ni Senador Panfilo Lacson kung saan sinabing hindi ang pagbibigay ng baril sa mga sibilyan ang nakikitang solusyon upang masawata ang mga krimen.

Samantala, para naman kay Senate President Tito Sotto III, matagal nang may armas ang mga sibilyan at maaari aniyang gusto lamang ng Pangulo na luwagan ang pagbibigay ng lisensya sa baril na kung gagawin ay kailangan aniya ng batas at hindi sapat ang isang executive order ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *