Municipal Health Subic, sinimulan na ang pagbabakuna ng mga senior citizen at non senior citizen with co morbidity

SUBIC – Sinimulan na ng municipal health subic ang pagbabakuna sa mga senior citizens at iba pang mga kualipikadong mga mamamayan.

Ito ay para sa patuloy na mass vaccination ng pamahalaan para maging ligtas ang lahat sa corona virus diasease.

Ayon sa municipal health office dalawang araw na gaganapin ang pagbabakuna sa wawndue gymansium na sinimulan kahapon hanggang ngayong araw.

Pinapayuhan lang ang mga non senior na magdala ng medical certificate o kaya reseta ng maintenance medication para makita kaagad ng mga health workers ang kondisyon kung maaring turukan agad o dapat ipagpaliban. // MICHELLE LOPEZ – BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Municipal Health Office- Subic

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *